Sunday, August 11, 2019


GAPO
ni: Lualhati Bautista

Buod

Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang at folk singer sa isang bar sa freedom pad.  Siya ay anak sa labas ng isang amerikanong sundalo. Ni minsan hindi niya nakita man o nakilala man lang ang kanyang  ama. Malaki ang galit niya ditto sa pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Ito ay nadagdagan nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway.

Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar. Nakipagbangayan doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto kaya lang pinagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila nitoy, napatay nila si Modesto kahit pa pinigil ni William ang kanyang mga kasamahan.

Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.
Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos.

Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa nga amerikano. Naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni nito. Nakulong si Michael.
Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya na Michael Taylor III mula sa ngalan ng tatay nito. Sila ay naghawak ng mahigpit sa magkabilang panig ng rehas.

No comments:

Post a Comment